Agosto, Buwan ng Wikang Pilipino, Buwan ng Wikang Pambansa

buwan-ng-wika_thumbGanap na sa ating mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataang mag-aaral ang pagdaraos ng isang pagdiriwang pagsapit ng Agosto, na tinaguriang "Buwan ng Wika" sa kadahilan ang ginugunita sa buwang ito ang dating Pangulong Manuel L. Quezon nakinilalang "Ama ng Wikang Pambansa."

Taon-taon isinasagawa ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga palatuntunan sa mga paaralan at pati na rin sa iba ng mga pook pampubliko.

Bilang mga Pilipino at mahuhusay na mag-aaral, ang mga Fransiskano ay nakikiisa sa taunang pagdaraos ng selebrasyong ito. Agosto 27, 2011 araw ng Sabado, masayang ipinagdiwang ng mga mag-aaral kasama ng mga guro at mga mahal nating magulangang Buwan ng Wika. Iba’ti bang uri ng patimpalak sa mahusay at epektibong paggamit ng Wikang Pilipino ang ginanap. Nagkaroon ng paligsahan sa pagtula, pagsasalaysay, madamdaming pagbigkas, pag-awit kasabay ng pagsayaw o "sayawit," at ang Sabayang Pagbigkas.

Nagtagisan ng galing ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan mula sa una at ikalawang taon ng iba’t ibang antas sa kategoryang sayawit at ang nanguna ay ang II-Aristotle, na sinundan ng II-Linnaeus, at ng I-Banzon.

Sa kategoryang Sabayang Pagbigkas naman nagtunggaliang mga mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon. Ang mga kalahok ay mula din sa iba’t ibang antas. Lubosang kagalakan ng mga mag-aaral mula sa ikaapat na taon dahil pare-pareho silang nag kamit ng tagumpay. Ang nakakuhang 3rd place ay ang IV-Saint Agnes, 2nd place naman para sa IV-Saint Anthony, at ang 1st place o ang nagwagi ay ang IV-Saint Francis na magiging kinatawan sa main campus para sa inter-campus championship.

By: Carmina Nobio 

 
 

Online Services

May 2012
S M T W T F S
29 30 1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31 1 2

Follow us on:

FacebookTwitterGoogleFeed

wifi zone